Mapabilang sa isang Komunidad
Kami ay di-perpektong mga tao na nagsisikap na sundin ang perpektong halimbawa ni Jesucristo. Nagmamahalan kami, nagtutulungan kami, at sinisikap naming sundin ang mga turo ni Jesus sa abot ng aming makakaya. Halina at samahan kami at danasin ang pagiging bahagi at kaisa.
Ang simbahan ay isang kanlungan mula sa araw-araw na buhay kung saan sinasamba namin ang Diyos at iniibig ang aming kapwa. Panahon ito upang umunlad sa espiritwal, kumonekta sa pamilya, at panatilihing nasa sentro ng aming buhay si Jesus.
Ang Simbahan ay hindi lamang isang lugar para sambahin ang Diyos—isang lugar din ito para paglingkuran Siya. Ang mga kalalakihan, kababaihan, kabataan, at mga bata ay kinakailangan upang tumulong itatag ang kaharian ng Diyos sa mundo.
Ang mga missionary ay mga boluntaryo na nakatuon sa pagtuturo sa mga tao tungkol kay Jesus. Sila ay magkakaiba at naglilingkod sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ang mensahe nila ay pagpapalain ang iyong buhay.
Mga Karaniwang Tanong
Maraming tanong ang mga tao tungkol sa “mga Mormon,” o sa mas magalang na paraan, mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Magklik dito para makita ang buong listahan.