Mga Tao at Programa Namin
Ang Simbahan ay hindi lamang isang lugar para sambahin ang Diyos—isang lugar din ito para paglingkuran Siya.
Isang komunidad ng paglilingkod at pagmamahal
Ang isa sa pinakamaiinam na paraan para paglingkuran ang Diyos ay ang pag-alaga sa mga tao sa ating paligid. Iyon ay maaaring pagdadala ng mainit na pagkain sa isang taong nangangailangan o pagiging mabuting kaibigan lamang. Nagboboluntaryo rin ang mga miyembro ng Simbahan na punan ang mga partikular na tungkulin sa kanilang kongregasyon tulad ng pagtuturo sa Sunday School, pagtugtog sa piyano o organo, pag-oorganisa ng mga aktibidad, o paggawa ng gawaing misyonero.
Ang aming mga kongregasyon, na tinatawag na mga ward o branch, ay binubuo ng mga miyembro ng Simbahan mula sa kalapit na mga komunidad. Ang iyong ward ay maaaring ituring na mga kamag-anak mo. Maaari pa ngang narinig mo na ang mga miyembro ng aming Simbahan na tinatawag ang isa’t isa na “brother” o “sister.”
Ministering
Ang ministering ay isang programa para tiyakin na bawat miyembro ng Simbahan ay may isang kaibigan na masasandigan niya sa mga oras ng pangangailangan. Ang mga adult at kabataan ay hinihilingang kaibiganin at pangalagaan ang partikular na mga pamilya at indibiduwal. Ang ministering ay tinutulungan tayong tularan ang halimbawa ni Jesus kung paano mahalin ang ating kapwa tulad ng sa ating sarili. Binibisita namin ang isa’t isa, ipinagdarasal ang isa’t isa, at inaalo ang isa’t isa.
Family home evening
Dahil ang mga pamilya ay napakahalaga, nagrereserba ang mga Banal sa mga Huling Araw ng isang gabi sa buong linggo para magkasama-sama ang pamilya. Nagsasama-sama sila, nag-aaral ng ebanghelyo, nagkakainan, at nagsasaya.
Relief Society
Bagama’t maaaring hindi mo pa narinig ito kahit kailan, ang Relief Society ang pinakamalaking organisasyon ng kababaihan sa mundo. Ito ay isang kapatiran ng kababaihan na tapat sa pagtulong sa mga nangangailangan, pagpapalakas ng pananampalataya, at pagpapatatag sa mga pamilya. Nagdaraos sila ng iba’t ibang aktibidad sa pagtitipon at paglilingkod sa buong taon. Halina’t sumama sa amin!