Ano ang Aklat ni Mormon?

Ang Aklat ni Mormon ay isa pang saksi ni Jesucristo.

Drowing ng mga tao sa bayan

Ang Aklat ni Mormon sa loob ng 60 segundo. Handa ka na? Sige.

1:00

Apat na bagay na dapat malaman ng lahat tungkol sa Aklat ni Mormon

Ang Aklat ni Mormon ay isang sinaunang talaan na nagtuturo tungkol kay Jesus. Ang kalalakihan, kababaihan, at mga pamilya sa Aklat ni Mormon ay nakibaka sa mga hamon ng buhay, katulad natin. Makikita natin ang ating sarili sa mga kuwento tungkol sa kanila, at mahihikayat tayong maging mas mabuti at tulungan ang iba tulad ng ginagawa ni Jesus. Narito ang apat na bagay na dapat mong malaman tungkol sa sagradong aklat na ito:

1. Ang Aklat ni Mormon, tulad ng Biblia, ay ang salita ng Diyos.

Tulad lang ng Diyos na nangusap kina Moises at Noe sa Biblia, inutusan din Niya ang Kanyang mga propeta sa mga lupain ng Amerika na gumawa ng isang talaan ng Kanyang mga turo at kautusan. Ang kanilang mga isinulat ay tinipon kalaunan ng isang propetang nagngangalang Mormon sa isang aklat. Ang mga salita sa Aklat ni Mormon ay nagpapatibay sa buhay, ministeryo, at pagliligtas ni Jesus sa atin mula sa kasalanan at pagdaig sa kamatayan. Sa katunayan, ang pinakamahalagang bahagi ng Aklat ni Mormon ay nang bisitahin ni Jesus ang mga tao sa sinaunang mga lupain ng Amerika.

Sa Biblia, itinuro ni Apostol Pablo, “Anumang [salita] ay dapat pagtibayin ng dalawa o tatlong saksi” (2 Corinto 13:1). Kapag nagtuturo ang Diyos ng isang mahalagang alituntunin, nagpapadala Siya ng isa pang bagay para pagtibayin iyon. Ang Aklat ni Mormon at ang Biblia ay saksi ng isa’t isa. Dahil maraming taong lumalayo ngayon sa Diyos at sa relihiyon, ang pagkakaroon ng mahigit sa isang saksi sa mga salita ng Diyos ay makatutulong sa atin na manatili sa tamang landas (tingnan sa 2 Nephi 29:7–8).

Kabataang nag-aaral ng mga banal na kasulatan
Alamin para sa iyong sarili kung ang Aklat ni Mormon ay totoo
Humiling ng Libreng Kopya

2. Maaari itong magdagdag ng kapayapaan at kabuluhan sa buhay mo

Ang Aklat ni Mormon ay isang gabay na aklat tungkol sa paraan ng pamumuhay na puspos ng kapayapaan at kaligayahan.

Nangako ang isang Apostol sa makabagong panahon, si Marion G. Romney, na kapag binasa natin ang Aklat ni Mormon, “mapapasaating mga tahanan at sa lahat ng nakatira doon ang diwa ng [dakilang] aklat na iyon. Madaragdagan ang pagpipitagan; mag-iibayo ang paggalang at pag-uunawaan sa isa’t isa. Maaalis ang diwa ng pagtatalu-talo. Papayuhan ng mga magulang ang kanilang mga anak nang may matinding pagmamahal at karunungan. Ang mga anak ay higit na susunod at magpapakumbaba sa payo ng kanilang mga magulang. Mag-iibayo ang kabutihan. Ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig sa kapwa—ang dalisay na pag-ibig ni Cristo—ay mag-iibayo sa ating mga tahanan at buhay, [na] magdudulot ng kapayapaan, kagalakan, at kaligayahan.”

3. Milyun-milyong tao ang nagbabasa ng Aklat ni Mormon

Nabasa na ito ng milyun-milyon sa buong mundo sa sarili nilang wika. Ipinagdasal nilang malaman kung ito ang salita ng Diyos. Ang sagot sa kanila—“Oo!” Ang Aklat ni Mormon ay nangangako na kung itatanong mo sa Diyos kung ito ay totoo, sasabihin Niya sa iyo. Sinusundan ito ng isa pang tanong: Kung makakuha ka ng sagot mula sa Diyos, susundin mo ba iyon?

Dalagitang nagbabasa

4. Maaari kaming maghatid ng libreng Aklat ni Mormon sa pintuan mo mismo

Kung gusto mo ng isang Aklat ni Mormon, maaari kang humingi ng isa nang walang bayad. Personal na ihahatid sa iyo ng lokal na mga kinatawan ang iyong aklat, saan ka man nakatira. Masisiyahan silang ipakita sa iyo ang ilan sa mga paborito nilang kuwento.

Mga sister missionary
Masisiyahan kaming basahin ang Aklat ni Mormon na kasama ka
Makipag-usap sa mga Missionary

Mga Karaniwang Tanong