Pagsunod kay Jesucristo

Sino si Jesucristo? Si Jesus ang Tagapagligtas ng sanlibutan. Habang sinusunod natin Siya, magkakaroon tayo ng higit na kapayapaan at kagalakan sa buhay.

Nakaupo si Cristo sa tabi ng isang lalaki

Tingnan kung ano ang posible dahil sa Kanya

2:45

Si Jesus ang Anak ng Diyos

Isinugo ng ating Ama sa Langit ang Kanyang Anak na si Jesucristo para pasanin ang mga kasalanan ng lahat ng mabubuhay sa lupa upang tayo ay mapatawad. Ang sakripisyong ito para sa atin ay naging posible dahil sa kabanalan ni Jesus at sa Kanyang sakdal na buhay.

Si Jesus ay isang dalubhasang guro at isang lingkod sa lahat. Pero walang katapusan ang pagiging higit Niya kaysa riyan. Nang itanong ni Jesus kay Apostol Pedro, “Ano ang sinasabi ninyo kung sino ako?” Sumagot si Pedro, “Ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay” (Mateo 16:15–16).

Ipinakita sa atin ni Jesus ang perpektong halimbawang susundan

Si Jesus ay namuhay ng perpektong buhay para ipakita sa atin ang daan pabalik sa ating Ama sa Langit. Bagama’t hindi Siya nagkasala kailanman, nagpabinyag pa rin si Jesus para sundin ang Diyos at ituro sa atin na kailangang magpabinyag ang lahat.

Si Jesucristo kasama si Juan Bautista
Alamin kung paano ka mabibinyagan
Makipagkita sa mga Missionary

Si Jesus din ang perpektong halimbawa ng pagmamahal. Sa buhay Niya sa lupa, pinagmalasakitan Niya ang mga dukha, pinagaling Niya ang bulag (tingnan sa Juan 9:1–7), tinanggap Niya ang mga batang musmos (tingnan sa Mateo 19:13–14), at pinatawad pa nga ang mga nagpako sa Kanya sa krus (tingnan sa Lucas 23:34). Ang Kanyang pagmamahal ay walang katapusan at matatanggap ito ng sinumang nangangailangan nito.

Mga Bible Video

Pinatawad at pinagaling ni Jesus ang isang lumpo.

Mga Bible Video

May pananampalataya ang babae na gagaling siya sa pamamagitan ng paghawak sa damit ni Jesus.

Mga Bible Video

Pinatawad ni Jesus ang isang babaeng pinaratangan ng pangangalunya.

Mga Bible Video

Binuhay ng Panginoon ang anak na babae ni Jairo mula sa kamatayan.

words and things

Itinuro sa atin ni Jesus kung paano mamuhay at tratuhin ang iba

Sa edad na 12 taon lamang, natagpuan si Jesus na nagtuturo sa mga guro sa templo (tingnan sa Lucas 2:42–52). Namangha sila sa dami ng alam Niya. Nagpatuloy si Jesus na maging pinakamahusay na gurong nabuhay. Madalas Siyang gumamit ng mga talinghaga, o mga kuwento, para magturo ng mahahalagang aral. Ang mga talinghagang ito ay tungkol sa mga karaniwang tao at sitwasyon, kaya madaling maunawaan ang mga iyon. Ang Kanyang mga kuwento ay umaantig pa rin sa aming puso at naggaganyak sa amin na sundin Siya at paglingkuran ang iba ngayon.

 

Ang mga Turo ni Jesus

Ang mga Manggagawa sa Ubasan

Sinabi ni Jesus na lahat ng matatapat na tao ay tatanggap ng pantay-pantay na gantimpala sa langit, gaano man katagal na naging tapat ang bawat tao (tingnan sa Mateo 20:1–16).

Ang Hindi Nagpatawad na Alipin

Itinuro sa atin ni Jesus ang mahalagang aral tungkol sa pagpapatawad sa pagtatanong ng, “Hindi ba dapat kang nahabag sa iyong kapwa alipin, kung paanong nahabag ako sa iyo?” (tingnan sa Mateo 18:23–35).

Ang Mabuting Samaritano

Sinabi ni Jesus na dapat nating mahalin ang ating kapwa, at itinuturo sa atin ng parabula ng mabuting Samaritano na ang ating kapwa ay maaaring kahit sino, pati na ang mga estranghero o kaaway (tingnan sa Lucas 10:25–37).

Ang Alibughang Anak

Bawat taong bumabaling kay Cristo ay tatanggap ng Kanyang mapagmahal na pagtanggap, anuman ang kanyang nagawa (tingnan sa Lucas 15:11–32).

Ang Nawawalang Tupa

Kapag tayo ay nawawala o nalulungkot at bumaling tayo sa Kanya, hindi lamang tayo tatanggapin ni Jesus sa ating pagbabalik, kundi matutuwa siya bilang pastol na nagsasabing, “Makigalak kayo sa akin, sapagkat natagpuan ko na ang aking tupang nawala” (tingnan sa Lucas 15:1–6).

Ang Aklat ni Mormon ay naglalaman din ng makapangyarihang mga turo ng Tagapagligtas. Tinuruan Niya ang mga tao kung paano magdasal, magpakumbaba, at tratuhin ang kanilang pamilya.

Kabataang nag-aaral ng mga banal na kasulatan
Basahin ang mga turo ni Jesus sa Aklat ni Mormon
Humiling ng Libreng Kopya

Si Jesus ay nagdusa at namatay para sa ating mga kasalanan

Ang misyon ni Jesus sa pagparito sa lupa ay para iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan. Handa Siyang magdusa at isakripisyo ang Kanyang sarili para pagbayaran ang ating mga pagkakamali upang makapagsisi tayo at mapatawad.

Sa Halamanan ng Getsemani, nadama ni Jesus ang bigat ng bawat kasalanan at pasakit ng sangkatauhan. Siya ay nagdusa para sa bawat taong nabuhay, na nagdugo ang bawat butas ng Kanyang katawan (tingnan sa Lucas 22:44). Siya ay dinakip, dinuraan, nilatigo, at ipinako sa krus. Kahit noong pinapatay si Jesus ng Kanyang sariling mga tao, humiyaw Siya na kung maaari ay kaawaan sila ng Diyos (tingnan sa Lucas 23:34).

Si Jesus na nagdarasal sa Getsemani

Habang nabubuhay tayo, gagawa tayong lahat ng mga pagkakamali at gagawa ng mga bagay na pagsisisihan natin. Pero basta’t sinisikap nating magpakabuti at humingi ng tawad sa ating Ama sa Langit, maaari tayong maging malinis na muli. Lahat tayo ay may utang sa dakilang pagmamahal ng ating Tagapagligtas at Manunubos na si Jesucristo.

Si Jesus ay nabuhay na mag-uli upang lahat tayo ay mabuhay na muli

Tatlong araw pagkamatay Siya, bumangon si Jesus mula sa libingan at nagpakita sa marami sa Kanyang mga kaibigan at alagad. Siya ang unang nabuhay na mag-uli, ibig sabihin ay muling sumanib ang Kanyang espiritu sa Kanyang naging perpektong pisikal na katawan pagkatapos mamatay. Dahil nagapi ni Jesus ang kamatayan, lahat tayo ay mabubuhay na mag-uli balang araw.

Pamilyang naglalakad sa harap ng templo
Halina’t sambahin ang Tagapagligtas na kasama namin
Humanap ng Simbahang Malapit sa Inyo

Mga Karaniwang Tanong

Maraming tanong ang mga tao tungkol sa “mga Mormon,” o kung tatawagin sa paraang mas magalang, mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Mag-klik dito para makita ang buong listahan.