Pagbuo ng Isang Matatag na Pamilya

Ang Diyos ay lumikha ng mga pamilya para maging maligaya tayo, matuto sa isang kapaligirang may pagmamahalan, at sama-samang maghanda para sa buhay na walang hanggan.

Mga kabataang babae sa pamilya

Limang paraan upang mapanatiling nakasentro ang pamilya mo sa Diyos

Ang pagpapalaki ng pamilya ay napakalaking gantimpala, ngunit maaari din itong maging mahirap, lalo na sa mundo ngayon. Kakaharapin ng mga anak mo ang mga mas mahihirap na desisyon na higit pa sa nagawa mo noong kabataan mo. Narito ang limang paraan na mapapalakas at maiingatan mo ang iyong pamilya laban sa masasamang impluwensya ng mundo.

1. Magturo ng magagandang pamantayan ng pag-uugali

Sabi sa Mga Kawikaan 22:6, “Sanayin mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at kapag tumanda na siya ay hindi niya ito tatalikuran.” Tungkulin ninyo bilang mga magulang na turuan ang inyong mga anak ng mga mabuting asal at alituntunin. Turuan sila ng tungkol sa Diyos at kung gaano Niya kamahal sila. Turuan sila na ang katapatan ang pinakamabuting patakaran. Turuan sila ng Gintong Aral: Gawin sa iba ang gusto mong gawin sa iyo.

Ang malinaw na itinakdang mga pamantayan ay nakatutulong sa tao sa kanyang pagpipili. Habang lumalaki ang inyong mga anak, mahaharap sila sa matitinding hamon. Turuan silang maging tapat sa pamantayan ng Diyos hinggil sa seks, droga, pananalapi, edukasyon, at iba pa. Hindi mo maituturo ang lahat para sa bawat sitwasyon na makakaharap nila. Ang magagawa mo ay ituro sa kanila ang tama at mali. Ipaliwanag na ang bawat pagpili, mabuti man o masama, ay may bunga. Sa buong buhay ng mga anak ninyo, tiyaking alam nila na mamahalin mo sila anumang mangyari at pakinggan silang maigi tuwing may mga tanong sila.

Tatay na tumatakbong kasabay ng batang lalaking nagbibisikleta

2. Magdasal nang sama-sama bilang pamilya

Gaya ng sinasabi sa kasabihan, “Ang pamilyang sama-samang nagdarasal ay nananatiling magkasama.” Pinagpapala ng Diyos ng higit na kapayapaan, pag-ibig, at pagkakasundo sa tahanan ang mga pamilya na nagdarasal nang sama-sama. Ang pagdarasal bilang isang pamilya ay isa ring magandang paraan upang tulungan ang mga bata na masanay na magdasal sa kanilang sarili. Kapag maraming gawain, maaaring mahirap na magdasal bilang pamilya. Ngunit sulit ito. Subukang pumili ng oras kung kailan kayo kadalasan magkakasama gaya sa oras ng kain o bago matulog.

Pamilyang nakaluhod at nagdarasal
Matutong magdasal bilang isang pamilya
Makipagkita sa mga Missionary

3. Basahin ang mga salita ng Diyos

Habang nagbabasa kayo ng mga banal na kasulatan bilang isang pamilya, naaanyayahan ninyo ang Espiritu sa inyong tahanan. Ang mga kuwento sa Banal na Biblia at sa Aklat ni Mormon ay nagtuturo ng mahahalagang aral tungkol sa pananampalataya at sa pagtatagumpay sa mga hamon. Kahit napakatagal nang nangyari ng mga kwento, naaangkop pa rin ang mga ito sa ngayon. Tulungan ang mga iyong mga anak na maunawaan na maaari silang makahugot ng tapang, inspirasyon, at gabay mula sa mga banal na kasulatan.

Si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig

Sinabi ni Elder L. Tom Perry, isang makabagong Apostol, “Ipinapangako ko sa inyo na ang araw-araw na pananalangin at pag-aaral ng banal na kasulatan bilang isang pamilya ay magbibigay sa inyong tahanan ng kapanatagan at ugnayan na pagyayamanin ang inyong buhay at ihahanda ang inyong pamilya na harapin ang mga pagsubok sa ngayon at sa mga walang hanggang paparating.”

Pagpapalain ng Diyos ang iyong pamilya kung magbabasa kayo nang magkakasama.

4. Sama-samang magsimba

Nakikinabang ang pamilya kapwa sa espirituwal at panlipunan na aspekto ng simbahan. Matututuhan ng inyong mga anak ang lahat tungkol sa mga turo ni Jesus at kung paano nila ito isasabuhay. Maaari din silang makipagkaibigan sa simbahan na may kapareho nilang paniniwala at makatutulong na maging mabuting impluwensya kapag naharap sila sa mabibigat na desisyon at pamimilit ng mga kaibigan. Tinutulungan ng simbahan na palakasin ang mga pamantayan ng kabutihang asal na itinuturo sa tahanan, gaya ng pagiging matapat at mabait. Gugugulan mo ito ng oras, pero bibiyayaan tayo ng Diyos kapag nagsisimba tayo.

Pamilyang naglalakad sa harap ng templo
Dalhin mo ang pamilya mo sa simbahan
Humanap ng Simbahang Malapit sa Iyo

5. Magsagawa ng lingguhang family night

Ang mga Banal sa mga Huling Araw ay naglalaan ng isang gabi sa isang linggo para sa pamilya. Narinig mo na siguro itong tinatawag na family home evening. Sa mga gabing ito, nagsasama-sama ang mga pamilya, inaaral ang ebanghelyo, nagsasalu-salo, at nagsasaya. Ang family home evening ay maaaring iakma ayon sa edad ng mga bata. Ang mga bata ay nasisiyahang umawit, manood ng maikli at nakapagpapasiglang video, o magsadula ng mga kwento sa Biblia para hulaan ng mga kapamilya. Maaaring mas gusto ng mga nakatatandang mga bata ang mas pormal na pagtuturo na susundan ng gawaing pampamilya gaya ng paglalaro ng soccer, panonood ng pelikula, o kantahan.

Pamilyang naglalaro

Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo

Noong 1995, naglabas Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ng opisyal na pahayag tungkol sa kahalagahan ng mga pamilya. And dokumentong ito ay nagbabalangkas ng responsibilidad ng mga ama at mga ina at tumatalakay sa mga pangunahing paksa gaya ng kasal, kasarian, pagiging magulang, at pagtatalik. Basahin ang sipi sa ibaba.

Mga sipi mula sa Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo

Kasal

“Ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at ng isang babae ay inorden ng Diyos.”

Mga walang-hanggang pamilya

“Ang plano ng kaligayahan ng Diyos ang nagpapahintulot sa mga ugnayan ng mag-anak na magpatuloy sa kabilang buhay.”

Kasarian

“Ipinag-utos ng Diyos na ang banal na kapangyarihang lumikha ng bata ay nararapat lamang gawin ng lalaki at babae na ikinasal bilang mag-asawa ayon sa batas.”

Pagiging Magulang

“Ang mga magulang ay may banal na tungkuling palakihin ang kanilang mga anak sa pagmamahal at kabutihan, maglaan para sa kanilang pisikal at espirituwal na mga pangangailangan, turuan silang magmahalan at maglingkod sa isa’t isa.”

Katapatan sa kasal

“Ang mga anak ay may karapatang isilang sa loob ng matrimonyo, at palakihin ng isang ama at isang ina na gumagalang nang buong katapatan sa pangakong kanilang ginawa nang sila ay ikasal.”

Mga responsibilidad ng mag-asawa

“Ang mga ama at ina ay may pananagutang magtulungan bilang magkasama na may pantay na pananagutan.”

Pananagutan sa Diyos

“Kami ay nagbababala na ang mga taong lumalabag sa mga tipan ng kalinisang-puri, nang-aabuso ng asawa o anak, o bigo sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin sa mag-anak ay mananagot balang-araw sa harap ng Diyos.”

Pagpapalakas ng mga Pamilya

“Kami ay nananawagan sa mga responsableng mamamayan at mga pinuno ng gobyerno sa lahat ng dako na magtatag ng mga pamamaraan upang mapanatili at mapalakas ang mag-anak bilang pangunahing yunit ng lipunan.”

Mga Karaniwang Tanong

Maraming tanong ang mga tao tungkol sa “mga Mormon,” o sa mas magalang na paraan, mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Mag-klik dito para makita ang buong listahan.