Ang Aming Pinaniniwalaan
Bilang mga Kristiyano, naniniwala kami sa pagkatuto ng lahat ng kaya naming matutuhan tungkol kay Jesus. Ang pinakamalaking kaligayahan sa buhay ay nagmumula sa pagsunod sa Tagapagligtas. Madarama mo ang Kanyang pagmamahal para sa iyo habang sinisikap mong maunawaan ang Kanyang buhay at turo.
Si Jesucristo ang Tagapagligtas ng mundo. Dahil sa Kanya, maaari nating muling makapiling ang Diyos. Sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol sa Kanya at pagsunod sa Kanyang halimbawa, matutuklasan natin ang mga pagpapala ng Diyos para sa atin.
Tulad ng Biblia, ang Aklat ni Mormon ay isang sinaunang talaan na nagtuturo tungkol kay Jesus. Ito ay salita ng Diyos at sinasagot nito ang mga tanong tungkol sa ebanghelyo. Tinutulungan din tayo nito na maging mas mabuting tao at mas mapalapit sa Diyos.
Ang Biblia ay salita ng Diyos. Inilalapit tayo nito kay Jesus at itinuturo nito kung paano natin susundin ang Kanyang perpektong halimbawa. Alamin kung paanong ang mga turo sa Biblia ay makatutulong sa atin na makahanap ng kaligayahan, layunin, at direksyon sa buhay.
Ang pagpapalaki ng pamilya ay napakalaking gantimpala, ngunit maaari din itong maging mahirap, lalo na sa mundo ngayon. Alamin kung paano mo mapapatatag ang mga miyembro ng iyong pamilya at matutulungan silang magtuon sa Diyos.
Ang Diyos ay may plano para sa bawat isa sa atin. Nilikha Niya ang mundong ito at ipinadala tayo rito upang tayo ay magkaroon ng pananampalataya at magkaroon ng kaligayahan. Ang mga pagsubok ay tutulong sa atin na umunlad at maging handang bumalik sa Kanyang piling.
Totoo ang Diyos. Siya ang ating Ama sa Langit. Lubos na kilala at mahal Niya ang bawat isa sa atin. Nais Niya na tayo ay magdasal sa Kanya at ipinapangako Niya na tayo ay pakikinggan at sasagutin Niya.
Mga Karaniwang Tanong
Maraming tanong ang mga tao tungkol sa “mga Mormon,” o sa mas magalang na paraan, mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Magklik dito para makita ang buong listahan.